I didn't get to choose anybody who wants to win me over,
nor I cannot choose the scandal anybody wants to say about me. On the other
hand, amidst all madness and drama we ALL go through, I choose what is right,
or dignified. I will always fight for the higher road--because ultimately,
that's where I belong, including you. Hey, stars are not on dirty soil, they
are up the heavens.
Saturday, April 21, 2018
Confessions of a Past Teacher
"Mam, I miss you!"
"Mam, graduate na po ako, thank God!"
"Uy Mam, kamusta ka na?"
Me on my demo teaching: circa 2013 |
Last Tuesday, may nag-pm sa akin na dati kong estudyante. Sabi
nya patapos na sya sa senior high at handa na syang mag-college. Dun pa lang sa
"Mam, I missed you" naluha na ako.
Then it dawned on me: dalawang taon na 'kong wala sa classroom.
Ibig sabihin, yung estudyante ko sa Summer Camp 2013, Grade 8 na
ngayon.
Nasubukan ko na ring magturo ng grade 4. Ibig sabihin, yung mga
estudyante ko naman sa Reading Camp 2014 (wala akong kadala-dala, nag year 2 pa
ko!) , grade 6 na ngayon. Pa-graduate na rin.
Noong nag practice teaching naman ako noong 2015, yung mga grade
10 ko noon... tapos na sa senior high school.
Ang bilis ng panahon. Dati lang wala pa akong lisensya magturo,
ngayon LPT na ko-- at yung mga estudyante ko noon, mga dalaga at binata na ngayon.
Umiiyak akong nagkwento sa kapatid kong si Trisha--mainly
because, palagi naman akong nagku-kwento sa kanya--na hindi ko na alam kung
tama pa ba itong ginagawa ko. Kung may kwenta pa ba akong tao, o nagagawa ko pa
ba ang trabaho ko. Mas mabuti pa sa pagiging guro, masaya ako. MAHIRAP NA
MASAYA. Ubos na yung lalamunan ko, pero okay lang. Wala na akong pang-luho,
pero ayos lang. Nakakabusog din naman ang Skyflakes at isaw, bahala na.
Stressed at burnout na kaming mga co-teachers ko (at madalas, nagkakainitan na
kami sa sobrang pagod)... but still, okay lang.
Malungkot ako kasi parang matagal-tagal na rin ata akong
nagpapanggap--isama mo pa ang mga damit na binili ko para lokohin ang sarili
ko--na ITO, ito ang kailangan ko para mabuhay. Pero hindi. Nagpasilaw ako sa
sarili kong karuwagan na hindi ko alam kung anong madilim ang
dumaratal--kalungkutan, kawalang dahilan, at pagiging ligaw. Mas mahirap umahon
nang di mo alam kung saan o kung anong masakit--hindi mo alintana kung anong
pumapatay sa'yo nang unti-unti.
Halo-halo na yung vocabulary ko: depressed ako ngayon, bahala
na.
Mark Hanson was right: You have to drown yourself to pointless
things to know it doesn't make you happy. Playing with boys and chasing money
will not ultimately lead to happiness. Gaining WORTHLESS SOCIAL STATUS is
nothing in comparison to living a life of integrity, decency, honesty, truth,
and dignity. Facebook likes mean NOTHING if you will not gain a certain amount
of dignity.
Buong buhay ko, dignidad lang ang hinihingi ko. Reputasyon lang
ang pinagpapaguran ko. Okay lang kahit walang boyfriend, basta maalagaan ko
lang ang dignidad at reputasyon kong ang hirap-hirap buuin kapag "masyado
pang bata" ang tingin nila sa'yo.
Nakuha ko naman somehow: except, sa maling paraan. Sa maling
"ako". Hindi alam ng tao na hindi lang makeup ang alam ko--alam ko
rin ang plot ng Moby Dick, Frankenstein, at The Great Gatsby. Paborito kong
author sila Charles Bukowski, Edgar Allan Poe, Kurt Vonnegut, Maya Angelou, at
JD Salinger. Ayoko nga lang sa Old English, lalo na kay Shakespeare, dahil
galit ako sa archaic words but still, English major ako.
Hindi ganun katalino, pero may ibubuga ako at palaging may bala.
Sobrang ikli ng buhay at sobrang bilis ng panahon para pag
aksayahan ng panahon ang WALANG KWENTA. Kaunting pake lang ang mararanasan
natin sa ikli ng lifespan ng normal na tao. Iniklian ni Lord for the same
reason na non-sensical kasi tayo mabuhay, aksayado daw tayo sa binibigay na
oxygen ng puno. Because God saw that man was becoming increasingly more
corrupt the longer they live. Haha.
Naliligaw ako ng landas. Kailangan ko ng printer.
Subscribe to:
Posts (Atom)
P A N D E M I C
Let my start by saying an apology because I am running and going back in this blog only when I am distressed which explains my...
-
Mostly, novels have two possible outcomes: the good, and a tragic. The resolution may disappoint us, making us understand the frailty of h...
-
Ever had a children’s story that has an underlying creepy lesson inside? Maybe, you have made familiar with your favorite story when yo...
-
I had a hiatus for the last three, or five months. It's nice to write again. Woooooot! Although of course, my writing. RIGHT. I'...