Saturday, April 21, 2018

Confessions of a Past Teacher


"Mam, I miss you!"
"Mam, graduate na po ako, thank God!"
"Uy Mam, kamusta ka na?"



Me on my demo teaching: circa 2013



Last Tuesday, may nag-pm sa akin na dati kong estudyante. Sabi nya patapos na sya sa senior high at handa na syang mag-college. Dun pa lang sa "Mam, I missed you" naluha na ako.

Then it dawned on me: dalawang taon na 'kong wala sa classroom.

Ibig sabihin, yung estudyante ko sa Summer Camp 2013, Grade 8 na ngayon.

Nasubukan ko na ring magturo ng grade 4. Ibig sabihin, yung mga estudyante ko naman sa Reading Camp 2014 (wala akong kadala-dala, nag year 2 pa ko!) , grade 6 na ngayon. Pa-graduate na rin. 

Noong nag practice teaching naman ako noong 2015, yung mga grade 10 ko noon... tapos na sa senior high school.


Ang bilis ng panahon. Dati lang wala pa akong lisensya magturo, ngayon LPT na ko-- at yung mga estudyante ko noon, mga dalaga at binata na ngayon.

Umiiyak akong nagkwento sa kapatid kong si Trisha--mainly because, palagi naman akong nagku-kwento sa kanya--na hindi ko na alam kung tama pa ba itong ginagawa ko. Kung may kwenta pa ba akong tao, o nagagawa ko pa ba ang trabaho ko. Mas mabuti pa sa pagiging guro, masaya ako. MAHIRAP NA MASAYA. Ubos na yung lalamunan ko, pero okay lang. Wala na akong pang-luho, pero ayos lang. Nakakabusog din naman ang Skyflakes at isaw, bahala na. Stressed at burnout na kaming mga co-teachers ko (at madalas, nagkakainitan na kami sa sobrang pagod)... but still, okay lang.


Malungkot ako kasi parang matagal-tagal na rin ata akong nagpapanggap--isama mo pa ang mga damit na binili ko para lokohin ang sarili ko--na ITO, ito ang kailangan ko para mabuhay. Pero hindi. Nagpasilaw ako sa sarili kong karuwagan na hindi ko alam kung anong madilim ang dumaratal--kalungkutan, kawalang dahilan, at pagiging ligaw. Mas mahirap umahon nang di mo alam kung saan o kung anong masakit--hindi mo alintana kung anong pumapatay sa'yo nang unti-unti.

Halo-halo na yung vocabulary ko: depressed ako ngayon, bahala na.


Mark Hanson was right: You have to drown yourself to pointless things to know it doesn't make you happy. Playing with boys and chasing money will not ultimately lead to happiness. Gaining WORTHLESS SOCIAL STATUS is nothing in comparison to living a life of integrity, decency, honesty, truth, and dignity. Facebook likes mean NOTHING if you will not gain a certain amount of dignity.

Buong buhay ko, dignidad lang ang hinihingi ko. Reputasyon lang ang pinagpapaguran ko. Okay lang kahit walang boyfriend, basta maalagaan ko lang ang dignidad at reputasyon kong ang hirap-hirap buuin kapag "masyado pang bata" ang tingin nila sa'yo.

Nakuha ko naman somehow: except, sa maling paraan. Sa maling "ako". Hindi alam ng tao na hindi lang makeup ang alam ko--alam ko rin ang plot ng Moby Dick, Frankenstein, at The Great Gatsby. Paborito kong author sila Charles Bukowski, Edgar Allan Poe, Kurt Vonnegut, Maya Angelou, at JD Salinger. Ayoko nga lang sa Old English, lalo na kay Shakespeare, dahil galit ako sa archaic words but still, English major ako.

Hindi ganun katalino, pero may ibubuga ako at palaging may bala.

Sobrang ikli ng buhay at sobrang bilis ng panahon para pag aksayahan ng panahon ang WALANG KWENTA. Kaunting pake lang ang mararanasan natin sa ikli ng lifespan ng normal na tao. Iniklian ni Lord for the same reason na non-sensical kasi tayo mabuhay, aksayado daw tayo sa binibigay na oxygen ng puno.  Because God saw that man was becoming increasingly more corrupt the longer they live. Haha. 




Naliligaw ako ng landas. Kailangan ko ng printer.


No comments:

Post a Comment

P A N D E M I C

            Let my start by saying an apology because I am running and going back in this blog  only  when I am distressed which explains my...