Magkikita
rin tayo. Sa pagitan ng mahinhin at malandi, mahalaga at di mahalaga, mini
skirts at make up, matataas na gusali at kapitalistang banyaga, kasabay ng
lahat ng obligasyon, at ambisyon na mayroon tayong dalawa. Nangangarap kasi
tayo--sobrang taas, na hindi ko alam kung may puwang ba talaga ako para sa iyo.
Kung naiisip mo pa ba ako, hindi ko alam. Magkikita rin tayo.
Sa ngayon,
mangarap ka muna.
No comments:
Post a Comment