Thursday, July 18, 2019

POEM: BLOCK


Sanay akong mapag-isa, aking mahal.
Hinubog ng panahon, pinatibay ng mundo
Tatahimik, uupo, ngunit ‘di masasakal
Bansot ang lipunan! Heto ako’t nakalundo.
Ako lang ang sariling kakampi—
Walang luha ang sayo’y dadampi.
Kaya ko pa, kaya ko pa, kaya ko pa!
Walang sandaling makikitang nalalampa.



Mahal, wag mong indahin
May pasa, may sugat, kirot sa ‘king dibdib.
Dadaan ang araw; wag mo nang dalhin—
ang sugat ng kahapo’y puspos at tigib.
Lilipas ang araw, lulubog ang buwan
makakalimutan mo rin kung ako’y nasaan.
Walang naging tayo, mahal.
“Umuwi ka nang malaya”, aking usal.


Patuloy akong tatakbo sa karimlan
Na parang wala lang ang tinamong sugat
hanapin mo man ako kung saan
Sorry try again, mahahanap mong sulat.
Butas-butas na istorya, iyong maririnig
Ngunit di mo masasagap aking tinig.
Facebook, Instagram, kahit gaano katagal—
Sanay akong mapag-isa, aking mahal.


05-25-2019
4:46 AM


Opo, it has ABABCCDD rhyme scheme. Masyadong pinaghirapan (kahit pangit haha!) para hindi i-post. Lame, lame poet.

No comments:

Post a Comment

P A N D E M I C

            Let my start by saying an apology because I am running and going back in this blog  only  when I am distressed which explains my...